Si Leni Robredo ngaba ay ahas sa pamahalaan na nagnanais pabagsakin ulit ang magandang pamunuan?

Written by: Sangkay Janjan
Bago palang ang halalan ay usap-usapan na ang plano ng Liberal Party na pagpalaganap ng malawakang dayaan sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas noong Mayo 2016.

Subalit ang inaakala ng marami na si Mar Roxas ang ilulusot ng LP ay iba ang nangyari dahil ang kanyang bise-presidente ang ipinalusot ng dilawan.

Ngunit bago paman lumusot si Leni ay nakasagap na si Bongbong Marcos ng isang lihim na balita mula sa Liberal Party tungkol sa gagawing pandaraya ng dilawan pabor kay Robredo.

Ang plan B na sinasabi ni Bongbong ay lumitaw isang linggo bago ang eleksyon noong Mayo. Ipapanalo nalang ng dilaw si Leni dahil alam nilang sigurado na ang panalo ni Duterte.

Nangyari nga ang malawakang pandaraya at nanalo si Leni Robredo. Subalit maraming ebidensya ang kampo ni Bongbong Marcos na nangyari nga ang matinding pandaraya ng Liberal Party.

Ang paglago ng ating bansa ngayon ay nagiging ganap na sa pangunguna ni President Duterte subalit ang malaking banta sa paglagong ito ay posibleng maudlot ngayong andyan pa si Leni Robredo.

Ang isang ahas sa ating pamahalaan ay patuloy sa pamumuna sa mga programa ng ating Pangulo kung saan ipinapalabas niya na hindi maayos ang pamamahala ni Pangulong Duterte.

Lumalabas kay Leni ang mukha ng isang traydor na pwedeng tuklawin ang pagbabagong nagaganap sa ating lipunan sa kahit na anong oras at sitwasyon. Hinihintay lamang niya na may makita siyang pagkakamali sa pamahalaan at doon siya papasok.

Ang plan B na sinasabi ni Bongbong Marcos ay tuloy-tuloy, kaya nga kapansin-pansin ang mga ginagawa ni Trillanes kung saan panay paninira at nagbanta na nga siya tungkol sa impeachment laban sa Pangulo ng Pilipinas.

Patuloy ang black propaganda laban kay President Rodrigo Duterte para sa pagpapabagsak sa pamumuno niya. At ang ahas sa pamahalaan ay doon papasok para ibalik muli ang bansa sa matinding kahirapan.

Nawa'y maging mapagmatyag tayong mga Pilipino at ipagtanggol ang totoong pagbabagong nagaganap sa ating bayan upang hindi ito maagaw ng isang ahas na nagnanais sirain muli ang ating bayan.

Loading...