Si Bongbong Marcos talaga ang tunay na VP kaya palawakin pa ang pagsisiwalat sa katotohanan

Hindi na nakakapagtaka kung si Bongbong Marcos ay nanalo noong halalan 2016 dahil kita naman ang ebidensya. Sikat kasi si BBM at ang hinahanap ng tao ay ang galing ng isang Marcos. Yun ngalang nakakalungkot man pero nadaya siya ni Leni Robredo.

Nakakapagtaka nga naman talaga na nanalo si Leni Robredo sa pagka bise-Presidente samantalang hindi naman siya kilala ng madla. Oo tama hindi siya kilala ng mga Pilipino at wala siyang pangalan para may maipagmalaki sa kandidatura niya noon.

Wala namang magandang legacy si Leni sa bicol kundi tsinelas tama? Samantalang itong si Bongbong Marcos ay ginawang high class ng Ilocos Norte nung siya ay Gobernador pa at isa sa malaking proyekto niya doon ay ang Wind Mill kung saan pinakauna ito sa South East Asia.

Nung kumandidato si Bongbong Marcos sa pagka VP ay marami ang natuwa at nagkaroon ng pag-asa na maiahon muli ang bansa sa kahirapan gaya ng ginawa ng kanyang ama kung kaya't nagkaroon ng Glory Days ang Pilipinas.

Iba't ibang grupo ang nagpahayag ng pagsuporta kay Bongbong Marcos ay isa na dyan ay ang INC. Ang Iglesia Ni Cristo ay milyon-milyong bumoto kay Bbm subalit nadaya sila. Ilang lugar sa ating bansa ay zero si Marcos samantalang may mga malalaking lokal sila. Kaya isa sa tanong ng INC asan ang boto nila?

May solid north si Bongbong na milyon-milyon. Mayroong solid waray kung saan balwarte din ng mga Marcos. Solid Loyalists sa buong mundo at marami pang ibang malalaking grupo ang sumuporta kay Bbm subalit talagang magaling sa dayaan ang mga dilawan kaya natibag parin nila.

Maging ang mga OFW's ay halos maiyak nalang sa nangyari dahil halos 09% ay maka Duterte-Marcos sila tapos kung titingnan mo sa bilangan ay halos humabol si Leni kay Bbm. 

Napakaraming lugar sa Pilipinas ay zero si Bbm ikaw ba maniniwala ka na zero siya? Pag si leni ang zero hindi nakapagtataka yun dahil hindi namab siya kilala ng tao. Pero ang ma zero si Bongbong Marcos ay isang kalokohan.

At halos karamihan sa nakausap ko ay talagang Marcos ang ibinoto nila bakit? Kasi nga magaling raw ang mga Marcos! Yung ngalang nadaya ng dilawan. Subalit ngayon sa Electoral Protest ni Bongbong Marcos ay may aasahan tayo.

Sa Supreme Court ay nakikita nila na talagang totoong may dayaan noong nakaraang halalan kaya't ang pabor nila ngayon ay na kay Marcos at wala sa dilawan. Ilang tulog nalang malalaman na natin ang resulta ng hatol ng Supreme Court.

Loading...