Nagsinungaling si Robredo sa Mundo, at ipinahiya ang Pilipinas sa kanyang UN MESSAGE

Written by: Sangkay Janjan
Isang nakakagulat ang mapanood ang ginawa ni Leni Robredo na pagsisinungaling at pagpapahiya sa ating bansa at sa pamahalaan noong gumawa siya ng sarili niyang video mensahe sa UN.

Kapansin-pansin ang galawan ni Leni Robredo ngayon, parang isang asong gutom na gutom sa pagkain na naglalaway at nais maagaw ang kapangyarihan ng pagka-Pangulo ng bansa.

Sa ginawa niyang mensahe sa UN trinaydor niya ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagsisinungaling. Ipinalalabas niyang marami ang napapatay kaysa mga nare-rehab dahil sa droga. Kung makaasta siya sa video na iyon ay sinasabi niyang derektang pinapatay ang mga involved sa droga at alam nating isang malaking kasinungalingan yon.

Ang hindi sinasabi ni Leni Robredo ay milyon na ang sumusuko at nagpatayo si Pangulong Duterte ng napakaraming rehab center. Bulag kaba Leni Robredo o sadyang malakas lang ang tama ng katangahan mo? Hindi mo ba alam na nagpatayo ang pamahalaan ng isang Mega Rehab Center?

Ipinapahiya ni Robredo ang Pilipinas na dapat ay pangalagaan. Tila isang ahas kung magsalita siya sa harap ng camera habang ipinapahiya niya ang ating bayan sa buong mundo gamit ang pagsisinungaling.

Lahat ng kanyang sinasabi ay puro lang bintang at walang napatunayan. Ang kanyang source ay lahat tsismis lamang, subalit sinasakyan niya ito para sirain ang pamahalaan ng Pilipinas. Gutom na gutom ang taong ito sa kapangyarihan kaya't wala na sa katinuan ang kanyang ginagawa.

Kaya naman hindi na ako magtataka kung bakit ganon nalang ang pagbatikos sa kanya ng mga Pilipino na halos ikahiya siya ng masa lalong-lalo na sa social media na kung saan binabakbakan siya.

Ang kanyang galawan ay hindi isang bise-presidente kundi galawan ng isang abnormal na dilawan na nagnanais makaakyat sa itaas. Kaya ang nais kung sabihin sayo Leni? Ikinakahiya ka naming mga Pilipino, isa kang traydor!

Loading...