MUST READ: Ang Pitong bagay na kinatatakotan ng dilawan sa mga Marcos

Written by: Sangkay Janjan
Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ganon nalang ka desperado ang mga dilawan laban sa mga Marcos? Mayroong dahilan kung bakit sila humaharang sa tila ramdan na pagbabalik ng mga Marcos sa mataas na pamahalaan sa larangan ng pulitika.

Una, alam nila na pag may isang Marcos na makabalik sa malacaƱang ay may magbabago sa kasaysayan na nakasulat sa libro. Hindi dahil sa magsasalin ang mga Marcos ng mga bagong kwento sa libro kundi papatunayan nila ito sa mismong gawa at makikita ng tao na mali ang mga Aquino.

Pangalawa, pag may isang Marcos na magiging Pangulo ay ipamamahagi na ang kayamanan ni Pangulong Marcos na inihandog niya sa mga Pilipino na naka deposito sa ibat-ibang bangko sa buong mundo at dahil dito makakapagpabago ito sa pananaw ng mga tao at masasabi nila na mali ang paratang na ill-gotten wealth.

Pangatlo, kilala ang mga Marcos sa pagiging magaling na lider at gaya ng ginawa ni President Ferdinand E. Marcos ay muli nitong pagyayamanin ang bansa at mamamayagpag ulit ang lahi natin sa buong mundo.

Pang-Apat, maipagpapatuloy na ang mga bigating proyekto ni Marcoy sa ating bansa kaya't uusbong na naman ang malawakang pagpapatayo ng mga infrastructures at ibat-ibang programa sa para sa pagpapalago ng ating bayan.

Pang-Lima muling raragasa ang pag angat ng ekonomiya ng ating bansa at dahil dito bababa muli ang mga bilihin at mga bayarin na siyang pangunahing problema ng mga mamamayan.

Pang-Anim, mahihirapan na ang mga corrupt politicians gaya ng Libral Party na mangulimbat sa kaban ng bayan dahil gaya noong panahon ni Pangulong Marcos mahigpit ang pamamalakad lalong-lalo na sa bawat proyekto na ipinapatayo ay di na ito mababawasan.

Pang-Pito, kapag nangyari iyon magkakaroon ulit ng GOLDEN AGE ang Pilipinas, magiging kilala ang ating lahi at irerespeto muli ng ibang bansa ang ating bayan at dahil doon mas darami pa lalo ang mga Marcos Loyalist dahil mas magigising ang mga Pilipino sa katotohanang magaling talaga ang mga Marcos.

Loading...