Ang tunay na diktador sa Pilipinas ay ang mga pulitikong dilawan

Written by: Sangkay Janjan

Ang tunay na diktador ay ang mga pulitikong dilawan. Bakit ko ngaba nasabi iyon? Simulan natin sa simpleng pagpapaliwanag at nawa'y maintindihan ng mga kababayan nating makakabasa nito.

Ang liberal party ay isa sa pinaka makapangyarihan na grupo sa larangan ng pulitika dito sa Pilipinas kung saan mahaba-haba ring panahon na sila ay naghari-harian at nag siga-sigaan na naging isa sa dahilan sa pagdami ng problema sa ating lipunan.

Sinasabi ng mga dilawan na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ay isang diktador dahil raw nag deklara ito ng Martial Law subalit ang pinaka ugat ng problema noon ay dahil din sa dilawan na ayaw sumunod sa pamamalakad ni Marcos at dinidiktahan ang maayos na pamamahala.

Diniktahan ng dilawan ang mga tao na pumunta noon sa edsa at tinuruan maging rebelde laban sa pamahalaan. Binayaran ang marami noon kung kaya't nagkaroon ng edsa uno.

Sa kasulukuyang administrasyon na pinangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ganon din ang kanilang ginagawa. Pilit na dinidiktahan ang pamahalaan ng dilawan para manatili ang bansa sa kahirapan at maghari-harian parin ang dilawan.

Ginagamit ng dilawan ang media at simbahan para diktahan at sirain ang magandang pamamalakad ng pamahalaan. Pilit na naninira gamit ang mga black propaganda laban kay Duterte sa kadahilanan na hindi na makaporma ang kalokohan ng dilawan sa pamahalaan.

Isang tunay na diktador ang Liberal Party dahil sa hayagang pagtutol nito sa tunay na pagbabago sa ating bansa. Ang Pilipinas ay umaagos sa demokrasya subalit kung makaputak at makapag dikta itong dilawan ay daig pa si Hitler. 

Kahit ang halalan noong May 2016 na dapat makita ang diwa at puso ng bayan sa pamamagitan ng malayang pagboto ngunit pinigilan ito ng LP at minanipula ang halalan at ipinanalo si Leni Robredo sa pagka VP.

Isa itong banta sa ating bayan dahil ang dilawan ay patuloy na kumikilos upang hatakin muli ang pag-angat ng Pilipinas pababa. Kaya't mga kababayan huwag nating pahintulutan ang dilawan na maging isang HARI muli sa ating bansa dahil mangangawawa muli ang ating bayan.

Loading...