Written by: Sangkay Janjan
Di ko itinatanggi na dati isa ako sa mga mangmang na panay batikos sa mga Marcos dahil sa mga maling katuruan sa paaralan patungkol sa katotohang pilit itinatago ng iilang guro.Lumaki akong ang alam ko masama si Marcos at mabuti naman ang mga Aquino dahil yun naman ang madalas ituro ng mga guro noon. Puro martial law ang nasa libro kaya nga ang akala ko buong pamumuno ni Marcos ay talagang Martial law kaya napailing nalang ako nong malaman ko na ang martial law ay nadeklara noong 1972 hanggang sa nagtapos sa 1981.
Mangmang nga naman ako pero, NOON YUN. Ang saklap lang kasi nagaral ako noon na hindi itinuturo sa mga paaralan ang mga naipatayo ni Pangulong Marcos na mga imprastraktura sa Pilipinas. Alam niyo kung kanino ko lang nalaman? Sa mga matatanda na mga kakilala ko sila ang nag kwento tungkol sa naglalakihang mga proyekto ni Marcos kaya nga sa totoo lang yun din ang dahilan kung bakit nagka-interes akong pag-aralan ang buhay ni Pangulong Ferdinand E. Marcos at ang kanyang pamumuno.
Sinaliksik ko ang kwento ng mga Aquino at kwento ng mga Marcos kung alin ngaba ang may maliwanag na katotohanan. Isang araw natumbok ko din ang totoo at ikinagulat ko ito sapagkat, iba ito sa alam ko na itinuturo ng mga guro na nakasaad sa mga libro.
Mas nakita ko ng maliwanag ang kasinungalingan ng mga isinulat sa mga libro na masama si Pangulong Ferdinand Marcos. Kabaliktaran ito sa katotohanan dahil ang mga Marcos ang tunay na inapi ng mga mapagsamantala at salot na mga pulitiko.
Dahil sa kamangmangan ng iilan nakuha ang kanilang mga damdamin gamit ang mga black propaganda ng mga dilawan. Marami ang nabayaran para mag protesta sa kakalsadahan. Ang iilang kabataan ay sumama sa kilusan ng mga komunista dahil rin sa mga black propaganda ng mga hangal sa lipunan.
Nalaman ko rin na si Pangulong Marcos ay ang tunay na lider na tumindig at ipnagtanggol ang demokrasya sa Pilipinas dahil sa paglaban nito sa mga mayayaman na gustong maghari sa bansa at paglaban sa mga komunista na nagnanais pabagsakin ang Republika ng Pilipinas.
Napakaraming nagawang imprastraktura ang napagawa sa buong bansa. Walang nagugutom at walang nanlilimos sa kakalsadahan sa panahon ni Pangulong Marcos. Ang mga kabataang nag-aaral noon ay busog dahil sa ipinamamahagi ng Gobyerno na mga masustansyang pagkain.
Nagulanta ako sa mga katotohanang nalaman ko na si Ninoy ay isa sa bumuo ng komunista sa bansa. Si ninoy ang nag benta ng sabah sa Malaysia kapalit ang suporta para sa kanyang ambisyong maging Pangulo ng bansa.
Si Ninoy Aquino na yata ang pinaka-expert sa pagpapalabas ng mga black propaganda. Asan si Ninoy nung binomba ang plaza miranda? WALA! kasi alam niya.
Si Cory naging Pangulo ng Pilipinas subalit sa kanya naman nagsimula ang kahirapan ng bansa. Idol ko ang mga aquino noon PERO NGAYON BINABAWI KO NA.
Nawa'y malaman ito ng maraming Pilipino, dati akong dilaw pero ngayong alam ko na ang totoo ako na mismo ang magbubunyag nito para malaman ng lahat ang malaking katotohanan.
Kung ikaw ay anti-Marcos ang payo ko ay magsaliksik kapa hanggang sa maabot mo ang katotohanan at maliwanagan ka sa tunay na kasaysayan ng Pilipinas.
Dati akong mangmang na anti-Marcos and I accept the fact that yellow garbage made me fool dahil sa history books na credited sa mga aquino. Pero nung nalaman ko ang totoo tinanggap kong mali ako. Mabubuti nga talaga ang mga Marcos.