LOOK: GMA News nagkalat ng pekeng balita kaugnay sa pagkakaisa ng mga Pro-Duterte

Written by: Sangkay Janjan
Saturday February 25,2017 nagtipon at nagkaisa ang mga Pilipino sa Luneta mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao upang ipakita ang matinding pagsuporta kay President Rodrigo Duterte.

Nais ipakita ng mga Pilipino sa buong mundo na suportadong buo ng madla ang mga isinusulong ng Pangulo para sa tunay na pagbabago sa ating lipunan. Gaya na lamang ng War on drugs, paglaban sa kahirapan, pagpapatayo ng mga imprastraktura at iba pa.

Iba't-ibang batikos mula sa yellow media, katoliko, mga sakim na pulitiko sa gobyerno ang ibinabato laban sa maayos na pamumuno ni Pangulong Duterte kaya naisipan ng mga Pilipino na magkaisa muli sa Luneta para bigyang daan na maisakatuparan ng tunay na pagbabago sa ating bansa.

Subalit ang mga bayarang media sa Pilipinas ay patuloy na naghahanap ng butas na makapagpakalat ng mga pekeng balita gaya na lamang nitong ginawang pagtitipon ng mga Duterte Supporters sa Luneta. Ang GMA7 ay naglabas ng balita Feb 25,2017 11:00pm na nasa 215,000 katao lang raw ang dumalo sa pagtitipon samantalang ang PTV4 ay iba ang totoong sinasabi. 

Ang PTV ay naglabas ng balita Feb 25,2017 6:15pm nasa 400,000 mahigit ang dumalo sa hapon palang yun, tapos itong GMA 11pm na 215,000 lang daw? Magaling talaga mag twist ang mga bayarang media sa katotohanan. 

Kung titingnan mo ang larawan, ang kinunan ng GMA ay ang nasa bandang gilid lang kaya mukhang konti lang talaga. Samantala, ang PTV naman ay nasa may gitna at makikita mo kung gaano kadami ang tao. 

Mga bayarang media nga naman. Mabuti nalang may PTV na siyang nagbabalita ng tapat sa mga tao. Kaya paalala sa mga mamamayan kung gusto niyo ng tapat na balita sa PTV4 na dahil ang yellow media ay nagpapatuloy sa pagpapalaganap ng mga pekeng balita.

Loading...