Kamusta ang buhay pagkatapos ng EDSA UNO? Ayos paba?

Sa pekeng kasaysayan ng Pilipinas, ipinalalabas na ang EDSA 1 ay isang malaking tagumpay ng mga Pilipino noong 1986, subalit ano ngaba ang katotohanan tungkol dito at ano ang naging dulot nito sa Pilipinas?

Masusi kong pinag-aralan ang patungkol sa nangyari noong Edsa 1 ngunit iba ang katotohanang nasumpungan ko kaysa sa mga naisulat sa libro ng kasaysayan ng Pilipinas.

Ang Edsa ay isang malaking pagkakamali ng mga Pilipino noon. Totoong may pagkakaisa noong panahon noon subalit pagkakaisa ito ng iilang mangmang sa Pilipinas. Bakit ko ito tinawag na mangmang? Dahil maraming mga matatanda ngayon ang nakausap ko ang nagsisisi dahil sa kanilang ginawa at nanghihinayang sila ng sobra.

Kamusta ang buhay matapos ang Edsa Uno? I-relate natin ang kanta ni YANO na ang pamagat ay "Kamusta Na?" Ang awiting iyon ay isang makatotohanang tanong sa para sa lahat ng sumama sa EDSA. 

Kamusta na ayos paba? Noon galak na galak ang mga sumasa sa EDSA dahil nagtagumpay raw sila ngunit kamusta ang mga sumigaw noon laban kay Pangulong Marcos? Malamang ang karamihan sa kanila ay naghihinagpis, nanlilimos sa kakalsadahan, namatay na sa hirap ng buhay o gumawa ng kasamaan sa sobrang gutom. 

Tagumpay ba ang EDSA para sa kalayaan? Oo nakamit nila ang kalayaan, kalayaan sa paghihirap ng sobra sa Pilipinas. 

Nagkaroon ng kalayaan ang Pilipinas sa matinding kahirapan. Tumingin kalang sa paligid mo lahat ng nakikita mo ay resulta ng kamangmangan ng iilan noong EDSA 1 na lumikha ng matinding kahirapan sa ating minamahal na bayan. 

Loading...