Glenn Chong:
Ayon kay presumptive senator Leila de Lima, ang PNP ang “pinaka-organisadong kriminal na grupo” sa Pilipinas. Direkta niyang sinisi ang Pangulong Duterte sa pag-iba ng anyo ng pambansang pulisya na ngayon ay naging “vigilante death squad.”
"The moment Duterte has turned the PNP into a vigilante death squad, its transformation into an organized criminal syndicate has been completed," sabi niya. "When you speak of organized crime in the Philippines, you speak of the PNP under Duterte."
Hindi maitatanggi na may mga scalawags talaga sa hanay ng PNP. Pero hindi tama na ang mga masamang gawain ng mga scalawags na ito ay isisi sa Pangulong Duterte at idawit ang buong kapulisan.
Kung tutuusin, 160,000 ang personnel ng PNP. Ilan ba sa mga ito ang mga scalawags? May datus ba si De Lima kung ilang porsyento sa 160,000 personnel na ito ay mga scalawags? Kung hindi niya masasagot ito, walang basehan ang kanyang sinabi tungkol sa PNP.
Sa kabilang dako, ang COMELEC ay may mahigit 15,000 personnel. Ipinagmalaki ng isang election operator ang kanyang propersyon ng pandaraya sa halalan at ang kanyang “pamilya” sa COMELEC. Ayon sa kanya, 60% ng personnel sa COMELEC ay sakop ng sindikato nila. Ibig sabihin, may mahigit 9,000 miyembro ang sindikato nila sa buong kapuluan na nandadaya sa halalan.
Dahil sa datus na ito mula sa bibig ng kabayo mismo, at dahil wala pa namang makakapagpakita na may sindikato pang iba na ganito kalawak ang nasasakupan, ang COMELEC pa rin ang “pinaka-organisadong kriminal na grupo” up to this point in time.
Kung si Pangulong Duterte ang sinisisi ni De Lima sa problema ng PNP, si De Lima rin ang sisihin natin sa problema ng dayaan sa halalan. Aming napag-alaman na personal na hiningi ni De Lima ang chairmanship ng Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System. Ito ang pinagsanib na komite ng Senado at Mababang Kapulungan na inatasan ng Republic Act No. 9369 (Section 27) na magsagawa ng “mandatory review” ng batas at ng automated election system matapos ang halalan.
Halos 9 buwan na ang lumipas matapos ang halalan pero wala pa ring hearing ang komite ni De Lima upang ma-review ang pagsagawa ng nakaraang halalan. Dahil ba nangangamoy pa rin ang baho ng dayaang ginawa ng sindikato kaya hindi muna magtatawag ng hearing ang komite ni De Lima? Plano ba talaga ito ng sindikato na panguluhan niya ang komite upang makontrol ang nag-iisang mekanismo ng batas upang hindi ma-imbestigahan ang kanilang dayaan?
Kaya kung organized crime ang pag-uusapan, walang iba kundi ang COMELEC ito sa proteksyon ni De Lima.
Glenn Chong- COMELEC PA RIN ANG PINAKA-ORGANISADONG KRIMINAL NA GRUPO SA PILIPINAS
Share this
Loading...
Loading...
Now Trending
-
Written by: Sangkay Janjan Marami sa ating mga kababayan ay walang alam sa kung ano ngaba ang tunay na naging kasaysayan ng Pilipinas ...
-
Sa panahon ni Pangulong Marcos umangat ang Pilipinas, naging maayos ang pamumuhay ng mga Pilipino. Naging kilala ang ating lahi sa i...
-
Mga minamahal na kalahing Pilipino Ipakita natin sa buong Pilipinas na ang tunay na nanalo bilang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas Did...
-
Karamihan sa mga propesor sa mga unibersidad sa Pilipinas ay inuuto ang maraming mga kabataan sa isang kasinungalingan tungkol sa kasa...
-
Mahabang panahon na simula nung hayaang maubos ang mga bayaning SAF 44 sa bakbakan laban sa mga rebelde. January 25, 2015 ito ang ara...
-
READ| Bully Ateneo Student, nakikiusap na. Hiniwalayan ng Girl friend at galit ang mga magulang niyaJoaquin Montes Jr, yan ang tunay na pangalan ng bully student ng Ateneo na nambugbog sa isang estudyante sa Ateneo na nagpaingay s...
-
Written by: Sangkay Janjan Sino-sino ngaba ang dilaw na naging Pangulo ng Pilipinas na naging dahilan para lumubog sa kahirapan ang ating...
-
Let us reveal the truth about Marcos Family. If you are a researcher about history, you'll find the truth that Pres. Marcos is...
-
May bago na namang nabiktima ang Riding in Tandem, kinilala ang biktima na si John Aaron Reynera. Pauwi umano ito galing sa trabaho n...