MUST READ: Grade 6 Student Letter "PAMBANSANG KATUNGKULAN"


PAMBANSANG KATUNGKULAN
By : JOANA

Mula sa barangay hanggang nasyonal
Taong bayan kayo ay inihalal
Dahil sa pangakong kayo'y maglilingkod
Nang buong puso at walang pag-iimbot

Eleksyon ay tapos na pero bakit ganon
Di pa tapos ang laban ng oposisyon 
Hanggang kailan hanggang saan 
Hahantong ang inyong paglaban

Mula kay VP Leni at kaalyadong Liberal
Mga may pinagaralan, karamiha'y Professional 
Ngunit parang di nakakaunawa ng sarili nating Batas
Desisyon ng korte sa kanila ay may butas 

Paano makakamit kapayapaan na minimithi
Kung bawat hakbang ng GOBYERNO di kayo mapakali
Respeto sa Presidente di nyo man magawa
Dahil di pabor sa inyo ang kanyang ginagawa

Ano nga ba sa inyo ang Pambansang KATUNGKULAN 
Di ba dapat isantabi na ang partidong PINAGMULAN
Nasaan po ba ang inyong KATAPATAN?
Sa PARTIDO ba o sa INANG BAYAN

ITIGIL NA PO PANINIRA AT PANAWAGAN
Huwag magmalinis dahil lahat kayo'y may KAHINAAN
Harapin na ang hamon ng bansang pinaglilingkuran
Sambayanang Pilipino dapat ng pagsilbihan 

Pangarap ko'y wala nang kaguluhan at bangayan
Administrasyon at oposisyon dapat ng magtulungan
Magkaisa na po kayo ng walang pagaalinlangan
Sa ganitong paraan, makakamit ang tunay na KAPAYAPAAN

Loading...