University Professors, utak ng mga nagiging komunistang estudyante



Ang pinaka dahilan kung bakit sumasama sa communist ang mga students sa mga Unibersidad ay ang mga guro nila.

Tinuturuan nila ang mga ito na mag rebelde sa pamahalaan at yakapin ang kunwaring magandang pinaglalaban ng mga salot na komunista sa Pilipinas.

Ang kadalasan sa sumasama sa mga NPA (Komunista) ay ang mga estudyante mula sa Ateneo at UP na siyang madalas natin makita sa mga rally.

Ang proseso ng mga propesor para yakapin ng mga estudyante nila ang komunista ay "mind conditioning" isang bitag na siyang bubulag sa marami.

Ituturo nila na maging "makabayan" at kunwari ay pinaglalaban ang kalayaan ngunit ang punta na nito ay pagrerebelde sa pamahalaan.


Dito na nila sisimulan ang kunwaring pagkamulat sa katotohanan para labanan ang pamahalaan, sasama sa rally bilang isang "OJT" sa pagpasok sa communist at magrerebelde sa pamahalaan.

Ang kasunod ay papasokin na nila ang sekretong pagiging member ng Communist at yayakapin na nito ang kadiliman ng mga komunista.

Kagaya ng estudyante ng UP na napatay sa bakbakan ng mga kasundaluhan ay marami pa ang mga biktimang estudyante sa ating bansa na sekretong komunista.

Ang mga nagrarally ay kabilang na rin sa grupo ng mga komunista. Iyon ang dahilan kung bakit wala silang takot manggulo, magkalat sa kakalsadahan, dumihan ang mga opisina ng gobyerno, ito ay dahil kasama na sila sa mga komunista.

Pero ang pinaka utak ng lahat kung bakit may mga nagiging komunistang mga estudyante sa mga Unibersidad ay ang mga propesor na nagtuturo ng mga kalikuan.




Loading...