Bakit tahimik ang CHR, Dilawan sa pagpatay sa kaibigan ni Atty. Glenn Chong?



Nananahimik ang mga epokrito ngayon sa malaking balita na bumulabog sa social media. Ito ay ang pagkapaslang sa kaibigan ni Atty. Glenn Chong na si Richard Santillan.

Matatandaan na si Glenn Chong ang nagsiwalat sa mga ginawang kasalanan ng Smartmatic, Comelec, at dilawan sa bawat eleksyon sa Pilipinas.

Sa walang takot na paglaban ni Atty. Chong sa sindikato sa Comelec ay isang buhay ng kanyang kaibigan ang nalagas.

Si Santillan ay pinagbabaril ng mga tiwaling pulis at nilagyan ng mga kunwaring ebidensya para palabasin na masamang tao ang biktima. Subalit lumalabas sa mga tunay na ebidensya sa pagpaslang na tinorture muna ito bago pinatay ng mga tiwaling pulis na malamang kakampi ng dilawan na walang ibang ginawa kundi sirain ang imahe ng PNP at pamahalaan.

Samantala, ang CHR na panay batikos sa pamahalaan at dilawan dahil umano sa kanilang pinaglalalaban ng karapatang pantao ay nananahimik sa malagim na isyung ito.

Nasaan si Gascon ng CHR, Bam Aquino, Drilon, Hontiveros, Trillanes, Kiko, Leni at iba pa? Bakit tila nananahimik ang mga ito na samantalang sinasabi nila na pinaglalaban nila ang karapatang pangtao.

Ang biktima ba na kaibigan ni Atty. Glenn Chong ay hindi tao sa kanilang paningin?

Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita para magalit at tumulong sa pamilya ng biktima. Halatang halata na hindi naman talaga karapatang pantao ang kanilang pinaglalaban kundi karapatan ng mga kriminal, at ng dilawan.

Halatang halata na Anti Duterte lang sila, at hindi sila Pro-Filipino. Galawang dilawan talaga, sisirain ang ating bansa kapag nakabalik ang kapangyarihan sa kanila katulad ng ginawa ng kanilang panginoon na si Cory at Noynoy.

Loading...