Mga bayaning AFP na lumalaban sa Marawi hindi parin nirerespeto ng Liberal Party

Written by: Sangkay Janjan


Ngayong araw ay nalagasan na naman ang tropa ng Militar sa Marawi ng 13 na kasundaluhan at nasa 40 naman ang mga sugatan dahil sa pagtatanggol sa ating bayan.

Subalit ang Arm Forces of the Philippines ay wala paring makuhang suporta mula sa grupo ng Liberal Party.

Kahit ang respeto para sa ating mga kasundaluhan doon sa Marawi na nakikipagdigma laban sa mga Teroristang ISIS (Maute) ay hindi padin mabigyan ng respeto ng dilawang grupo.

Nakakalungkot isipin na patuloy na nalalagasan ang ating mga magigiting na kasundaluhan ngunit ang suporta ay hindi maibigay ng Liberal Party.

Wala na ngang suporta ay patuloy sa pamumuna ang dilawan at kung ano-anong black propaganda ang inilalabas at ipinapakain sa mga mangmang.

Hindi na nga nakakatulong ay nakakadagdag pa sa problema sa bansa itong LP, kamakailan lamang kumakalat ang balitang may kasamang mga ebidensya na ang Liberal Party ay posibleng kasabwat sa pagpasok ng mga terorista sa bansa.

Tandaan natin, isa sa pingkukunan ng tapang ng mga sundalo ay tayong mga Pilipino, kaya't patuloy natin silang ipagdasal.

Loading...